Ayon sa ulat ng Lianhe Zaobao, sa isang preskong idinaos kahapon sa Manila, inamin ni Valerie Amos, Pangalawang Pangakalahatang Kalihim ng UN na namamahala sa mga suliraning makatao na sobrang mabagal ang pagsasagawa ng mga aksyong panaklolo sa Pilipinas pagkaraan ng kalamidad ng super typhoon "Yolanda".
Ayon kay Amos, dahil malawak ang saklaw ng mga binagyong lugar, mahirap ang paghahatid ng mga gamit panaklolo at hindi maraing ng grupong panaklolo ang ilang mga lugar. Umaasa siyang bubuti ang nasabing mga kalagayan sa darating na 48 oras.
Napag-alamang, nitong 7 araw na nakalipas pagkaraang masalanta ng Yolanda ang Leyete at Samar, hindi pa nabigyan ng tulong ang maraming apektadong mamamayan at nagiging mas mabigat ang presyur at tumatanggap ng batikos ang pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III.