Sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na ipininid kamakailan, iniharap ang "pagpapabuti ng sistema ng makatarungang garantiya sa karapatang pantao" bilang isa sa mga mahalagang layunin ng reporma. Ito ang kauna-unahang pagkakataong inharap ng CPC ang konsepto ng "makatarungang garantiya sa karapatang pantao."
Iniharap sa nasabing sesyon ang panukala na para mapatupad ang pamamahala sa estado sa pamamagitan ng batas, dapat palalimin ang reporma sa makatarungang sistema, at pabilisin ang konstruksyon sa makatuwiran, epektibo at autorisadong sosyalistang sistemang makatarungan, para mapangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan.
Sinabi ni Wang Zhenmin, isang propesor ng Tsinghua University, na nangangahulugan itong lubusang gaganap ang sistema ng hustisya ng Tsina ng mahalagang papel sa proseso ng paggarantiya sa karapatang pantao, at itatatag at pabubutihin ang mga may kinalamang mekanismo ng paglilitis. Aniya, ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng Tsina sa pangangalaga sa karapatang pantao ng mga mamamayan.
Binigyan-diin sa sesyon na dapat gawing starting point at end-result ang pagpapasulong sa pagkakapantay-pantay at katuwiran sa lipunan at pagpapahigpit ng kasiyahan ng mga mamamayan, para makapagtamasa ang lahat ng mga mamamayan ng bunga ng pag-unlad ng bansa. Tungkol dito, ipinahayag ni Wang Wei, isang dalubhasa na nananaliksik sa reporma ng Tsina, na ito ay nagpataas sa nilalaman ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina. Aniya, ang "pagpapabuti ng sistema ng makatarungang garantiya sa karapatang pantao" ay pinagkakatiwalaang maigagarantiya ang usapin ng karapatang pantao ng Tsina.
Salin: Andrea