Ayon sa estadistikang ipinalabas kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 3633 ang naitalang bilang ng mga nasawi sa iba't ibang lugar ng Pilipinas na sinalanta ng super typhoon "Yolanda." Ayon pa rin sa NDRRMC, hanggang sa kasalukuyan, 9.46 bilyong Piso ang kapinsalaang dinulot ng bagyong ito.
Samantala, nakakaabot ngayon sa mga mamamayang apektado ng bagyo ang mga tulong na materyal at serbisyong medikal. Pero, nagbabala ang mga humanitarian groups na napakalaki ng hamon sa lohistika para maparating ang mga ito sa mga nawasak at malayong island communities.
Salin: Liu Kai