Dumating ng Israel kahapon si Pangulong Francois Hollande ng Pransya para makipagtalakayan sa mga lider Israeli hinggil sa isyung nuklear ng Iran, talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Israel, kooperasyon ng Pransya at Israel, at iba pang tema.
Sa isang magkasanib na news briefing pagkaraan ng pag-uusap kagabi nina Hollande at Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel, sinabi ng una na umaasa ang Pransya na mararating nila ng Israel ang isang tunay, maayos, at maigagarantiyang kasunduan. Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, bagama't natamo na ng talastasan ng anim na bansa at Iran ang progreso, hindi ito sapat, at kailangang ipagpatuloy ang presyur sa Iran.
Ipinahayag naman ni Netanyahu ang pag-asang ipagpapatuloy ng komunidad ng daigdig ang pagpapataw ng presyur sa Iran para mapilit itong itakwil ang pagpapaunlad ng sandatang nuklear.
Salin: Li Feng