Dumating na kagabi at kaninang umaga sa Cebu, Pilipinas, ang mga relief material na inibigay ng pamahalaan ng Tsina para sa mga apektado ni bagyong Yolanda sa Pilipinas. Nagkakahalaga ng 10 milyon RMB ang naturang mga tulong, kabilang dito ang dalawang libong tolda at sampung libong blanket.
Ipinahayag naman ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na handa na ang mga grupong medikal ng pamahalaan at Red-Cross ng Tsina na tumungo sa mga purok-kalamidad sa Pilipinas. Ipapadala rin aniya ng Red-Cross ng Tsina ang isang dalubhasa at sasapi siya sa grupong tagapagtaya ng komunidad ng daigdig sa kalagayang apektado ni Yolanda.
Ayon sa estadistika mula sa Pilipinas, mga 4,000 katao ang nasawi dahil kay Yolanda, at nagkaroon din ng malaking kapinsalaang pangkabuhayan.