Ang bagyong Yolanda ay nagdulot ng napakalaking kapinsalaang pangkabuhayan at kasuwalti sa Pilipinas. May mahigit 4000 tao ang namatay at 12000 tao ang nasugatan sa bagyong ito. Bukod sa rekonstruksyon, sa kasalukuyan, kinakaharap ng pandaigdigang medikal na organisasyon ang isa ibang mahigpit na hamon: ang pagpigil sa mga sakit at pagbibigay-lunas sa mga maysakit.
Si Louel ay nakatira sa Tacloban, isang lunsod na malubhang naapektuhan ng bagyong Yolanda. Nawasak ang bahay niya sa bagyo. Sa kasalukuyan, nakatira ang buong pamiliya ni Louel sa nag-iisng hotel sa Tacloban kung saan nagtatrabaho ang asawa niya. Kamakailan, nilagnat ang dalawang anak ni Louel, pero nasalanta ang ospital sa Tacloban sa bagyo, kaya ipinasiya ni Louel na ipadala ang mga bata sa Cebu para sa ipagamot.
Ang Doctors Without Borders o MSF na may punong himpilan sa Pransiya ay isang di-pampamahalaang organisasyon na nagkakaloob ng humanitarian relief. Mabilis ang reaksyon ng MSF sa kalamidad. Hanggang sa kasalukuyan, ipinadala na ng MSF ang rescue teams sa lahat ng 5 isla ng Pilipinas na naapektuhan ng bagyong Yolanda. Ipinahayag ni Caroline Seguin, isang namamahalang tauhan ng MSF na malubha ang epekto ng bagyo sa Pilipinas, at matindi ang hamon at kahirapan na kinakaharap ng MSF.
Sa kasalukuyan, itinatag ng medical team mula sa Alemanya at Belgium ang kauna-unahang "tent hospital" sa lalawigan ng Leyte. Pagkatapos nito, pinaplano ng MSF na itatag ang isa pang field hospital sa Tacloban, pero, ang bagyong Yolanda ay nag-iwan ng maraming debris sa Tacloban at napakahirap para sa mga doctor na itatag ang field hospital. Ipinahayag ni Grace Lasduel, isang boluntaryong nars, na datapuwa't napakahirap ang kasalukuyang kalagayan, itutuloy pa rin ang pagtatayo ng make shift hospital, dahil ito ay kinakailangan at tunay na makakatulong para sa mga mamamayan na nakaranas ng bagyong Yolanda.
Ipinahayag rin niyang sa kasalukuyan, nagsisikap ang pamahalaan ng Pilipinas at komunidad ng daigdig para matulungan ang mga mamamayan na nasalanta ng bagyo, pero, hindi optimistiko ang kasalukuyang kalagayan sa mga purok na naapektuhan ng bagyo, napakarami ng mga gawain na kinabibilangan ng rekonstruksyon, pagbibigay-lunas at iba pa.
Salin:Sarah