|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at isyung nuklyear ng huli.
Inilahad ni Xi ang pagpapahalaga ng panig Tsino sa relasyon ng Tsina at Iran. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na ibayo pang pasulungin ang pagtitiwalaang pulitikal at pagtutulungang pragmatiko ng dalawang bansa.
Kaugnay ng isyung nuklyear ng Iran, ipinagdiinan ni Xi ang paninindigan ng Tsina sa paglutas sa isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo. Aniya pa, patuloy na magsisikap ang Tsina para makalikha ng magandang kondisyon para sa malutas ang isyung naturan.
Sinabi naman ni Rouhani na ang pagpapasulong ng relasyon ng Iran at Tsina ay priyoridad ng mga patakarang diplomatiko ng Iran. Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa ginagawang papel at makatarungang paninindigan ng panig Tsino sa isyung nuklear ng kanyang bansa. Inulit niya ang pananangan ng Iran na lutasin ang isyung ito batay sa mga pandaigdig na batas at mga norma ng relasyong pandaigdig.
Sa kabilang dako, ipinahayag din ni Pangulong Xi ang kanyang kalungkutan sa nangyaring teroristikong pang-aatake kahapon sa Pasuguan ng Iran sa Lebanon. Muling sinabi ni Xi ang kanyang pagtutol sa terorismo sa anumang porma.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |