Ipinahayag kahapon ni John Kerry, Kalihim ng Estadong ng Estados Unidos na wala siyang maliwanag na inaasahan sa bagong round ng talastasang idaraos sa Geneva sa pagitan ng Iran at 6 na panig na kinabibilangan ng E.U., Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo sa Kagawaran ng Estado ng E.U. kay Ahmad Davutoglu, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Turkey, ipinahayag ni Kerry na magsisikap ang iba't ibang panig para marating ang isang inisyal na kasunduan, at nawa'y maunawaan ng Iran ang kahalagahan ng pagdalo para gumawa ng isang dokumentong magpapakita ng kapayapaan ng planong nuklear ng Iran sa buong mundo.
Ang 6 na panig na may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran ay nagtatangkang limitahan ang ilang proyektong nuklear ng Iran bilang kapalit ng pagbabawas ng sangsyon mula sa mga bansang kanluranin. Pero, walang kasunduan nabuo matapos ang diyalogong idinaos noong ika-7 hanggang ika-9 ng buwang ito sa Geneva.
salin:wle