Ipinahayag kahapon ng China Soong Ching Ling Foundation na mag-aabuloy ito ng 200 prefabricated houses sa mga lugar ng Pilipinas na malubhang sinalanta ni bayong Yolanda na may internasyonal na pangalang Haiyan.
Ayon sa ulat, ang naturang mga pabahay ay nagkakahalga ng halos 3.2 milyong Yuan RMB o halos 23 milyong Pesos.
Ipinahayag din ng naturang organisasyon ang pakikiramay sa mga biktima at apektadong Pinoy sa naturang kalamidad. Bukod dito, ipinangako rin nitong ipagpapatuloy ang suporta sa gawaing panaklolo ng Pilipinas sa hinaharap.
Salin: Ernest