Ayon sa pinakahuling impormasyon mula sa website ng Minisitring Panlabas ng Tsina, magpapadala ang pamahalaang Tsino ng emergency medical team, at nakatakdang lumisan ngayong araw ang unang batch ng mga tauhan ng China International Search and Rescue team patungong Pilipinas na ipinadala ng Red Cross Society of China. Bukod dito, magpapadala rin ang Chinese Navy ng isang hospital ship na tinatawag na "Peace Ark" sa purok ng kalamidad ng Pilipinas para magbigay ng tulong sa paggamot.
Ipinahayag ni Hong Lei, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na laging pinapansin ng Tsina ang kalamidad ng bagyo sa Pilipinas. Nakahanda ang Tsina na magpadala ng mga tauhan para magsagawa ng medikal na tulong alinsunod ng makataong diwa.
Ang hospital ship na "Peace Ark" ay may malakas na kakayahan sa pagsasagawa ng medikal na tulong sa mga purok ng kalamidad. At lilisan ito sa lalong madaling panahon.
salin:wle