Ipinagkaloob kahapon ng World Bank (WB) ang 500 milyong dolyares na pangkagipitang utang sa Pilipinas, at idineploy ang mga may-kinalamang dalubhasa sa buong daigdig para tulungan ang bansa sa rekonstruksyon pagkaraan ng pananalasa ni bagyong 'Yolanda.'
Ginawa ng WB ang nasabing kapasiyahan bilang tugon sa kahilingan ng Pamahalaang Pilipino. Ayon sa salaysay, isang grupong teknikal mula sa WB ang dumating sa Pilipinas para tulungan ang Pamahalaang Pilipino sa pagtasa ng kalagayan ng kapinsalaan at pangingilak ng impormasyon para sa pagbalangkas ng komprehensibong plano ng rekonstruksyon.
Ipinahayag ni Axel van Trotsenburg, Pangalawang Puno ng WB sa Silangang Asya at Rehiyong Asya-Pasipiko, na kinakailangan ng Pilipinas ang isang pangmatagalang plano ng rekonstruksyon.
Salin: Li Feng