Sa Maynila — Ipinahayag dito kahapon ni Zhao Baige, Pangalawang Puno ng China Red Cross Society (CRCS), na pagkaraang ipalabas kamakailan ng Philippine Red Cross Society ang kahilingan ng tulong, agarang umaksyon ang CRCS para magkaloob ng tulong sa mga nasalantang purok ng bagong 'Yolanda' sa Pilipinas.
Sinabi ni Zhao na sa mula't mula pa'y sinusubaybayan ng CRCS ang grabeng kalagayan ng kalamidad na dulot ng naturang bagyo sa Pilipinas. Aniya, noong gabi ng Miyerkules, dumating ng Maynila ang unang grupo ng tauhang panaklolo ng CRCS.
Dagdag pa niya, ang naturang tulong na ibibigay ng CRCS sa Pilipinas ay sa mga aspektong kinabibilangan ng lakas-manggagawa, tulong na materyal, at iba pa.
Salin: Li Feng