|
||||||||
|
||
Sinimulan ngayong araw ang gawaing panaklolo ng mga grupong medikal ng Tsina sa Abuyog City at Tacloban City, Leyte Province na malubhang sinalanta ni bagyong Yolanda.
Itinayo ng grupong Tsino ang isang maliit na ospital sa Abuyog na may 12 higaan. Hanggang kaninang tanghali, tinanggap na nito ang 75 may sakit.
Kasabay nito, nagtayo din ng emergency hospital sa Tacloban ang dalawang grupong medikal na ipinadala ng Red Cross ng Tsina at sinimulan nang gamutin ang mga may sakit ngayong araw.
Bukod dito, bumisita si Embahador Ma Keqing ng Tsina sa mga nasalantang lugar ng Pilipinas at nakipagkoordina siya sa panig Pilipino para isaayos ang gawaing panaklolo ng hospital ship "Peace Ark" ng Tsina sa Samar Province.
Ayon sa ulat, darating bukas sa Samar ang hospital ship ng Tsina.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |