Dumating kahapon ng hapon ng Leyte Gulf ang Peace Ark, hospital ship ng hukbong pandagat ng Tsina, para lumahok sa relief work sa mga lugar na sinalanta ni bagyong Yolanda. Ang bapor na ito ay ang unang dayuhang hospital ship na dumating ng Pilipinas.
Dahil medyo malaki ang Peace Ark, at walang angkop na puwerto para rito, dumaong ang bapor, 10 milya mula sa Tacloban. Mula rito, ipapadala nito sa mga binagyong lugar ang mga grupong medikal, para magkaloob ng serbisyong medikal. Ihahatid din ang mga nasugatan at may-sakit sa bapor, para bigyang-lunas.
Lumisan ng Tsina ang Peace Ark noong ika-21 ng buwang ito. Para mas maagang dumating ng Pilipinas, naglayag ito sa rehiyong pandagat na may malaking alon, at dumating ito ng Leyte Gulf nang isang araw na mas maaga kaysa nakatakdang iskedyul.
Salin: Liu Kai