Nitong ilang araw na nakalipas, ipinadala ng "Peace Ark" Hospital Ship ng Tsina ang ilang grupong medikal sa mga evacuation center at bahay ng mga mamamayan sa Tacloban, para magkaloob ng serbisyong medikal sa mga taong apektado ni super typhoon Yolanda. Ang kanilang gawain ay binigyan ng mataas na pagtasa ng iba't ibang sirkulo ng Pilipinas.
Ipinahayag ng isang opisyal Pilipino, na marami ngayon ang mga grupong medikal sa Tacloban, pero ang mga grupong Tsino ay unang nagkaloob ng serbisyong medikal sa panirahan ng mga apektadong mamamayan. Aniya, hinahangaan ng mga lokal na mamamayan ang ganitong door-to-door service ng grupong medikal ng Tsina.
Nanawagan naman ang isang Pilipinong eksperto sa kalusugan sa mga grupong medikal ng ibang bansa na tularan ang grupong medikal ng Tsina sa pagkakaloob ng serbisyong medikal at gamot, at tumulong para pigilin at iwasan ang pagkalat ng mga sakit.
Salin: Liu Kai