|
||||||||
|
||
Sinang-ayunan ng Tsina at Amerika ang pagpapahigpit ng diyalogo, pagpapalagayan at kooperasyon para pasulungin ang bagong istilo ng relasyong Sino-Amerikano.
Nag-usap kahapon sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Pangulong Joseph Biden ng Amerika hinggil sa bilateral na relasyon at ibang mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag ni Xi na may responsibilidad ang Tsina at Amerika sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig. Kaya aniya dapat igalang ng dalawang bansa ang kani-kanilang nukleong kapakanan at maayos na hawakan ang mga sensetibong isyu at hidwaan sa pagitan ng dalawang panig.
Ipinahayag ni Biden na nakahanda ang Amerika na pasulungin, kasama ng Tsina ang kanilang bagong istilo ng relasyon sa pagitan ng mga malaking bansa sa pundasyon ng paggagalangan, pagtitiwalaan at pagkakapantay-pantay. Naniniwala siyang maisasakatuparan ng dalawang bansa ang naturang target at maiiwasan ang pagulit ng kasaysayan kung saan palagiang nagaganap ang sagupaan sa pagitan ng mga malaking bansa.
Buong pagkakaisang ipinalalagay nila na dapat panatilihin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kabuhayan, pulitika, kultura, at militar. Sinang-ayunan din nila ang pagpapahigpit ng pag-uugnayan at pagkoordinahan sa mga isyu ng Korean Peninsula, Iran at Syria.
Bukod dito, inulit din ni Xi ang paninindigang Tsino sa mga isyu na gaya ng Taiwan, Tibet at Air Defense Identification Zone (ADIZ) ng Tsina sa East China Sea.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |