Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lumisan na ng bansa papuntang Pilipinas ang ika-2 grupong medikal ng China Red Cross Society, para magkaloob ng serbisyong medikal sa mga lugar na sinalanta ni super typhoon Yolanda. Dagdag pa ni Hong, batay sa kalagayan at pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino, patuloy na magkakaloob ang Tsina ng tulong sa mga binagyong lugar.
Nauna rito, 3 grupong Tsino na kinabibilangan ng grupong medikal ng pamahalaan, grupong medikal ng Red Cross, at "Peace Ark" Hospital Ship ang nasa gitnang Pilipinas, para magbigay-tulong sa relief work sa mga binagyong lugar. Binigyang-lunas nila ang mahigit limang libong nasugatan sa kabuuan. Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa Pilipinas ang Peace Ark, at natapos na ang misyon ng ibang dalawang grupong medikal na hahalinhan ng nabanggit na grupo.
Salin: Liu Kai