Kaugnay ng ipinahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Summit ng ASEAN at Hapon, na ang Air Defense Identification Zone (ADIZ) ng Tsina sa East China Sea ay nagbabanta di-umanoy sa kalagayang panrehiyon at gusto niyang marating ng Hapon at ASEAN ang nagkakaisang posisyon sa isyu ng seguridad na pandagat at panghimpapawid para mapigilan ang aksyon ng Tsina, ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kooperasyon ng mga bansa ay hindi dapat nakatuon sa ika-3 panig at hindi rin dapat nakakapinsala sa karapatan at kapakanan ng ika-3 panig.
Salin: Ernest