|
||||||||
|
||
Sa kahilingan ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina, idinaos kahapon sa Cairo, Ehipto ang pangkagipitang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Arab League (AL) para talakayin ang isyu ng Palestina at talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Israel.
Sa pulong na ito, inilahad ni Abbas ang mga natamong bunga sa talastasan ng Palestina at Israel. Pero pinuna ni Abbas ang kakulangan sa katapatan ng Israel sa pagpapasulong ng kapayapaan ng dalawang panig.
Kaugnay ng planong iniharap ng Amerika na nagpapanukalang maglagay ng tropa ang Israel sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan sa loob ng sampung taon, ipinahayag ni Abbas na dapat marating ang komprehensibong plano ng paglutas hinggil sa pinal na katayuan ng Palestina bago ang Abril ng taong 2014. Hinding hindi aniya tatanggapin ng kanyang bansa ang anumang planong transnasyonal o parsyal na kalutasan sa isyung ito.
Ayon sa panig Palestino, kinakatigan ng mga kalahok na bansang Arabe ang paninindigan ng Palesina sa isyung ito.
Dumating sa Cairo si Abbas kamakalawa para dumalaw sa Ehipto. Sa kanyang pananatili sa bansang ito, nakipagtagpo siya kay Pansamantalang Pangulong Adly Mansour.
Inilahad ni Abbas kay Mansour ang proseso ng talastasan ng Palestina at Israel. Ani Abbas, umaasa siyang gagampanan ng Ehipto ang mahalagang papel sa talastasan at proseso ng rekonsilyasyon sa loob ng Palestina.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |