Nanawagan kahapon si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa iba't ibang may kinalamang panig sa isyu ng Syria na sikaping makapagtamo ng progreso sa ika-2 pandaigdigang pulong sa Geneva para malutas ang isyung ito sa paraang pulitikal.
Bukod dito, hinangaan ni Ban ang pagsisikap ng komunidad ng daigdig sa pag-aalis at pagsira sa mga sandatang kemikal ng Syria.
Nang araw ring iyon, isinumite sa Pangkalahatang Asemblea ng UN ni Ban ang pinal na ulat hinggil sa isyu ng sandatang kemikal ng Syria; pero hindi binanggit sa resulta ng nasabing ulat kung sino ang gumagamit ng mga sandatang kemikal na nakatuon sa mga kawal at sibilyan ng Syria.