|
||||||||
|
||
Kahapon ay "Araw ng Walang-Pasubaling Pagsuko ng Hapon noong World War II. Nagbigay-galang nang araw ring iyon ang tatlong miyembro ng Gabinete ng Hapon sa Yasukuni Shrine. Kahit hindi dumalo sa pagbibigaty-galang si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, nag-alay naman siya ng sacrificial fee sa ngalan ng Presidente ng Liberal Democratic Party.
Ayon sa ulat kahapon ng Jiji Press ng Hapon, matinding binatikos ng mga partidong oposisyon na gaya ng Democratic Party, Communist Party at Social Democratic Party ng Hapon ang pagbibigay-galang ng mga miyembro ng Gabinete ni Abe sa Yasukuni Shrine.
Sinabi ni Akihiro Ohata, Pangkalahatang Kalihim ng Democratic Party, na ang isang serye ng mga pananalita at kilos ng Pamahalaan ni Abe ay hindi lamang nakasira sa relasyong panlabas, kundi nakapinsala rin sa kapakanan ng bansa.
Bumigkas naman ng talumpati si Tagapangulong Kazuo Shii ng Communist Party na nagsasabing ang mga aksyon ng Punong Ministro at mga miyembro ng Gabinete ay nagpapakita ng positibong pakikitungo nila sa digmaang mapanalakay. Hinding hindi aniya ito mapahihintulutan.
Ipinahayag naman ni Fukushima Mizuho, dating Presidente ng Social Democratic Party, na nagtatangka ang Hapon na baguhin ang katotohanan sa mga isyung pangkasaysayan na gaya ng digmaang mapanalakay at paghaharing kolonyal, at magpadala ng maling kaisipang historikal sa Asya at buong daigdig. Buong tatag na tinututulan niya ito.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |