Ilang pambobomba ang naganap kahapon sa mga siyudad ng Syria na kinabibilangan ng Damascus, Homos, Dellar at Aleppo. Mahigit 70 sibilyan ang namatay sa nasabing mga insidente.
Ayon sa Syrian Arab News Agency (SANA), opisyal na news agency ng bansa, isang car bombing ang naganap kahapon sa labas ng isang paaralan sa Homs, probinsya sa gitna ng Syria. Di-kukulangin sa 20 katao ang namatay at ilampu ang nasugatan. Karamihan sa mga biktima ay estudyate at guro.
Ayon din sa nasabing news agency, ang sandatahang lakas laban sa pamahalaan ay naglunsad kahapon ng mga bomba sa Dellar, siyudad sa dakong timog ng bansa. Dalawang bomba ang sumabog malapit sa isang simbahang Kristiyano at ikinamatay ito ng 8 katao. Ang tatlong bombang iba pa ay sumabog naman malapit sa gusaling munisipal ng Dellar na ikinamatay ng 4 katao. Kasabay nito, sumabog ang isa pang bomba malapit sa isang bangko sa Damascus na ikinamatay ng isang pedestrian.
Samantala, ang Syrian Observatory for Human Rights, organisasyong di-pampamahalaan na may mahigpit na kaugnayan sa oposisyon ay naghulog ng bomba sa Aleppo, siyudad sa dakong hilaga ng Syria sa pamamagitan ng helicopter. Apatnapu't apat (44) na sibilyan ang namatay na kinabibilangan ng 6 na bata.
Salin: Jade