Sa kanyang pakikipag-usap kamakailan kay Natsuo Yamaguchi, dumadalaw na Puno ng New Komeito Party ng Hapon, sinabi ni Ministrong Panlabas Salman Khurshid ng India na dapat matuto ang Hapon sa karanasang pangkasaysayan at maging positibo sa pagpuna mula sa mga bansang kinabibilangan ng Tsina at Timog Korea sa pagbibigay-galang ni Punong Ministrong Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine.
Noong ika-26 ng Disyembre, 2013, nagbigay-galang si Abe sa Yusukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na class-A criminals noong World War II. Humantong ito sa pagpuna mula sa Tsina, Timog Korea, Amerika at Rusya.