Ipinahayag ngayong araw ni Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran at Punong Negosyador sa Talastasan hinggil sa Isyung Nuklear, na optimistiko siya sa bagong round ng talastasan sa pagitan ng Iran at 6 na bansang may-kinalaman sa naturang isyung nuklear na kinabibilangan ng Amerika, Rusya, Tsina, Britanya, Pransya, at Alemanya.
Ang nasabing talastasan ay idaraos bukas sa Geneva para talakayin ang kung papaano isasakatuparan ang narating na kasunduan ng dalawang panig sa nagdaang talastasan noong Nobyembre, taong 2013.
Ipinahayag ni Zarif na kahit mahaba at masalimuot ang proseso ng talastasan, malakas pa rin ang hangarin ng lahat ng mga panig sa pinal na paglutas sa isyung nuklear. Naniniwala aniya siyang matatamo ng bagong round ng talastasan sa Geneva ang positibong bunga.
Salin: Ernest