Magkahiwalay na kinatagpo kahapon si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, nina Pangulong Macky Sall, at Punong Ministro Aminata Toure ng Senegal.
Sa naturang pagtatagpo, ipinahayag ni Wang ang paninindigang Tsino sa mga suliraning Aprikano. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga bansang Aprikano, na gaya ng Senegal, na pahigpitin ang kooperasyon sa iba't ibang laranga para mapasulong ang kooperasyon at pagkakaibigan ng dalawang panig.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Macky Sall ang tulong ng Tsina sa pag-unlad ng kanyang bansa at ng buong Aprika. Ipinahayag niyang dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa imprastruktura at mga suliraning may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Aminata Toure na ang mga natamong bunga ng Tsina ay mahalagang karanasan para sa pag-unlad ng kanyang bansa. Winewelkam din niya ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Senegal.
1 2 3