Sinimulan kahapon ng umaga ng mga demonstrador ang kanilang protesta na naglalayong isara ang kabisera o "shutdown Bangkok" laban sa Pamahalaang Thai. Sa pamumuno ni Suthep Thuagsuban, ang mga demonstrador ay nagtangkang sarhan ang mga pangunahing lansangan, kubkubin ang mga organo ng Pamahalaan at putulin ang daloy ng koryente at tubig. Ang layunin ng protesta ay piliting bumaba sa puwesto ang Administrasyon ni Yingluck Shinawatra. Ayon sa mga demonstrador, tatagal ang kanilang rally hanggang ika-2 ng Pebrero kung kailan nakatakdang idaos ang Halalan ng Mababang Kapulungan.
Bilang tugon, kahapon ng hapon, nagpasiya ang caretaker government na imbitahan ang mga partidong pulitikal, at mga panig na sumusuporta at tumututol sa gaganaping Halalan, para magtalakayan bukas hinggil sa mga isyung may kinalaman sa idaraos na Halalan ng Mababang Kapulungan ng bansa. Pero, tinanggihan ito ni Suthep Thuagsuban.
Salin: Jade