
Sinimulang isagawa kahapon ng mga demonstrador na kontra-gobyerno ng Thailand ang aksyong "Pagblokeyo sa Bangkok," bilang protesta sa pamahalaan ni Yingluck Shinawatra. Hiniling nila na bago idaos ang halalan, isagawa muna ang reporma. Nanawagan din sila na palayasin ang rehimen ni dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra.
Nang araw ring iyon, isinagawa ng halos 200 libong demonstrador ang demonstrasyon sa buong Bangkok. Blinokeyo nila ang pitong pangunahing daan sa sentrong panlunsod ng Bangkok.
Salin: Li Feng