Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Ehipto, bumisita kahapon si Zhang Ming, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Mena House sa labas ng Cairo, lugar na pingdausan ng Cairo Conference noong 1943, kung saan itinakda ang posisyon ng Allied Forces ng World War II tungo sa Hapon at pinagpasiyahan ang iba't ibang suliranin ng Asya pagkaraan ng digmaang ito.
Sinabi ni Zhang na mahalaga ang Cairo Conference at Cairo Declaration, at dapat patingkarin ang papel ng naturang deklarasyon para mapangalagaan ang kaayusan sa Asya-Pasipiko na naitatag pagkaraan ng WWII.
Dagdag ni Zhang, nitong ilang taong nakalipas, lumalapastangan ang pamahalaan ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa soberanya ng Tsina sa Diaoyu Islands, at nagbigay-galang din si Abe sa Yasukuni Shrine. Ang mga ito aniya ang grabeng sumabotahe sa relasyong Sino-Hapones, nakasakit sa damdamin ng mga mamamayang Tsino, at nakakapinsala rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Sinabi ni Zhang na sa pamamagitan ng nabanggit na mga aksyon, sinarhan ni Abe ang pinto ng pakikipagdiyalogo sa mga lider na Tsino, at ang ganitong politiko ay hindi katanggap-tanggap para sa mga mamamayang Tsino.
Salin: Liu Kai