|
||||||||
|
||
Si Wang Yi
Sa Montreux, Switzerland. Ipinahayag dito kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na ang pangangatwiran ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa kanyang pagbisita sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na Class-A War Criminals noong World War II (WWII) ay nagpapakita lamang ng maling pananaw niya sa kasaysayan.
Sinabi kamakalawa ni Abe sa Davos Forum na kailangang ituring na natural lamang para sa isang lider ng bansa ang kanyang pagbigay-galang sa kaluluwa ng mga nasawi sa Yasukuni.
Ipinagdiinan ng ministrong panlabas na Tsino na hinding hindi matatanggap ang pagbigay-galang ni Abe bilang puno ng estado ng Hapon sa mga war criminals. Ito ay nagpapakita ng tangka ni Abe na baligtarin ang hatol ng Far East International Military Tribunal sa mga war criminal na Hapones.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |