Isang ultimatum ang ipinalabas kahapon ni Chalerm Yubamrung, Ministro ng Lakas-manggagawa ng Caretaker Government ng Thailand at namamahalang tauhan ng sentro ng pangangalaga sa seguridad ng bansa para sa mga demonstrador. Ayon sa ultimatum, sa loob ng darating na 72 oras, dapat itigil ng mga demonstrador ang pagsalakay sa mga organo ng pamahalaan, kung hindi, sila ay dadakpin.
Ani Yubamrung, ito ay hindi nangangahulugang pagsugpo sa mga demonstrador, at hindi rin gagamit ng mga nakamamatay na sandata habang ipinatutupad ang batas. Karamihan sa mga lalahok sa pagpapatupad ng batas ay pulis, at hindi gagamitin ang puwersang militar, aniya pa.
Salin: Li Feng