![]( /mmsource/images/2014/01/27/9bd34a95eb7949fa8192a4c6488d8e35.jpg)
Ipinatalastas kahapon ng Komisyong Elektoral ng Thailand ang pagdaraos ng maagang pagboto para sa pambansang halalan sa 375 election districts. Pero, dahil sa mga demonstrasyong kontra-gobyerno, hindi ito naipatupad sa 33 distrito sa Bangkok at 56 na distrito sa katimugan ng bansa. Anito, ang maagang pagboto ay para sa mga botanteng hindi maaring manatili sa bansa sa panahon ng regular na eleksyon.
![]( /mmsource/images/2014/01/27/eeceec1ffa6246ee9ff924b096fde287.jpg)
Nang araw ring iyon, nang magsagupa ang mga oposisyon at United Front of Democracy Against Dictatorship(UDD) sa polling precinct sa Bangkok, nabaril at napatay si Suthin Tharathin, isang prominenteng miyembro ng oposisyon.
Kaugnay nito, ipinahayag ng People's Democratic Reform Committee(PDRC), partido oposisyon ng Thailand, na ang pagpapa-aga ng naturang halalan ay ugat ng sagupaan.