Sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Mababang Kapulungan ng Jordan, matatag nitong ipinahayag ang paninindigan hinggil sa isyu ng Palestina. Kinakatigan ng Jordan ang mga karapatan ng Palestina, anito pa.
Sa nasabing pahayag, ang bansang Palestina ay dapat sumaklaw sa mga lugar batay sa kasunduang pangkapayapaan na itinakda noong taong 1967, at Jerusalem ang kabisera nito.
Binigyang-diin ng naturang pahayag na dapat bigyan ng mga subsidy ang mga refugees na Palestino para tulungan silang umuwi sa inangbayan.
Inulit ng nasabing pahayag na kinakatigan nito ang anumang pagsisikap ng mga Palestino para isakatuparan ang naturang mga target at tinututulan ang anumang resolusyon at aksyon ng Israel sa Jerusalem, na itinuturing na banal na lupain ng mga Kristiyano at Muslim.