Ayon sa pinakahuling datos ng National Tourism Administration ng Tsina, sa isang linggong bakasyon ng Chinese New Year na nagsimula noong ika-31 ng Enero, umabot sa mahigit 230 milyong person-time ang mga natanggap na turista ng mga scenic spot sa apat na sulok ng bansa. Ito ay mas mataas ng 14% kumpara sa gayunding panahon ng 2013. Samantala, lumampas naman sa 4.7 milyon ang bilang ng mga Tsino na naglakbay sa ibayong dagat sa panahon ng Chinese New Year. Ito ay mas mataas ng 18% kumpara sa gayunding panahon ng 2013.
Masasabing uso na para sa mga Tsino ang pglalakbay sa loob o labas ng Tsina sa mahabang bakasyon ng Chinese New Year nitong ilang taong nakalipas. Upang maakit ang mga turistang Tsino, 45 bansang dayuhan na ang nagbibigay ng visa exemption sa mga Tsino na may ordinaryong pasaporte. Kabilang sa nasabing mga bansang dayuhan ay ang Thailand at Iran na madalas na pinupuntahan ng mga turistang Tsino.
Salin: Jade