Sinabi kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi katanggap-tanggap ang aplikasyon ng Hapon para maisama sa listahan ng Memory of the World ng United Nations Educational Scientific and Culture Organization (UNESCO), ng mga liham ng Kamikaze, suicide pilots ng tropang mapanalakay ng Hapon noong World War II.
Ipinagdiinan ni Hua na isang tangka ito ng panig Hapones para paringalin ang pananalakay ng militarismo ng Hapon at hamunin ang bunga ng World Anti-Fascist War at ang kaayusang pandaigdig pagkaraan ng WWII.
Noong ika-4 ng buwang ito, nagsumite ang Chiran Peace Museum sa Minamikyushu ng Kagoshima Prefecture ng aplikasyon nito sa UNESCO para ilakip sa Memory of the World ang 300 dokumento na gaya ng suicide notes ng WWII Kamikaze pilots na kusang ibinangga ang kanilang eroplano sa mga bapor na pandigma ng Allied forces. Ang Minamikyushu ay ang base ng Kamikaze Unit kung saan ang nasabing mga atake ay inilunsad mula Oktubre, 1944 hanggang katapusan ng WWII. Halos 4000 suicide attacks ang inilunsad ng Kamikaze pilots kung saan 77 Allied vessels ang lumubog at mahigit 300 ang nasira.
Salin: Jade