Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tagapagsalitang Tsino: Hapon, kailangang humingi ng paumanhin at magbigay ng kompensasyon kaugnay ng 2010 collision incident

(GMT+08:00) 2014-02-13 09:57:17       CRI

Bilang tugon sa kapasiyahan kamakailan ng Pamahalaang Hapones na sampahan ng damage suit ang kapitan ng bapor-pangisda ng Tsina sa 2010 collision incident sa karagatan sa paligid ng Diaoyu Islands, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa katotohanan, ang Pamahalaaang Hapones ang kailangang humingi ng paumanhin at magbigay ng kompensasyon sa kapitang Tsino dahil sa ilegal na pagditene at pag-imbestiga sa kanya. Ipinagdiinan niyang sa 2010 collision incident, linapastangan ng panig Hapones ang soberanya ng Tsina at ang karapatan ng mangingisdang Tsino.

Noong ika-7 ng Setyembre, 2010, dalawang Japan Coast Guard patrol ships at isang trawler ng Tsina ang nagbanggaan sa karagatang malapit sa Diayu Islands ng Tsina. Sa sumunod na araw, dinakip ng Japan Coast Guard si Zhang Qixiong, kapitan ng bapor-pangisda ng Tsina. Ang aksyon ng Japan Coast Guard ay nakatawag ng matinding protesta mula sa Tsina.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>