Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Political Dynasties, nararapat matapos na

(GMT+08:00) 2014-02-17 19:04:16       CRI

BAGAMA'T walang nakikitang koneksyon sa pag-itan ng kahirapan at political dynasties, makabubuting sundin ang itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987 na nagsasabing nararapat mawaksan ang kinaugaliang ito.

Sinabi ni Capiz Congressman Fred Castro, chairman ng House Committee on Suffrage sa Tapatan sa Aristocrat na nakapasa na sa kanilang kumite ang panukalang batas na nagbabawal sa political dynasties. Maituturing umanong isang malaking milagro ang pagkakapasa nito sa kanyang komite sapagkat mula noong 1987, ang anumang hakbang laban sa political dynasties ay hindi nakalalampas sa committee level.

Ayon kay Sonny Melencio, Pangulo ng Partido Lakas ng Masa at isa sa mga punong-abala ng People's Initiative Coalition Against Dynasties, ang pagkilos sa Kongreso ay sinasabayan nila ng pag-iipon ng mga lagda sa lahat ng congressional districts upang magkaroon ng sapat na batas laban sa pagsasama-sama ng magkakamag-anak sa pamahalaan, sa mga halal na posisyon.

Hindi lamang naman sa Pilipinas nagaganap ang political dynasties. Mayroon ding political dynasties sa Indonesia, sa Thailand, India at maging sa Bangladesh. Ito naman ang pahayag ni Professor Richard Heydarian ng Ateneo de Manila University.

Ang nakakasulasok lamang sa Pilipinas ay ang pagkakaroon ng mangilan-ngilang mga Pilipino na naghahari at nakikinabang sa 74% ng mga ari-arian ng bayan.

Ipinangangamba naman ni Sonny Africa ng Ibon na malaki ang posibilidad na pinananatili ng mga politikong mahihirap ang mga mamamayan upang magpatuloy ang kanilang paghahari sa mga daigdig ng ekonomiya at kalakal.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>