Matapos akusahan si Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng caretaker na pamahalaan ng Thailand ng pagpapabaya at pang-aabuso sa tungkulin sa proyekto ng bigas, ipinahayag kahapon ng Anti-corruption Commission ng Thailand ang gagawing pagdinig sa naturang kaso, sa ika-27 ng buwang ito.
Nang araw ring iyon, 25 libong pulis ang ipinadala ng pamahalaan para paalisin ang mga demonstrador ng oposisyon sa paligid ng punong himpilan at mga tanggapan ng pamahalaan, at panumbalikin ang maalwang daloy ng transportasyon at normal na operasyon ng mga departamento ng pamahalaan at mga paaralan.
Naganap din ang sagupaan sa pagitan ng pulisya at naturang mga demonstrador. Ikinamatay ito ng 4 na katao, at ikinasugat ng 64 iba pa.