Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

24 katao, sugatan sa insidente ng pagsabog sa Bangkok

(GMT+08:00) 2014-02-24 10:36:21       CRI

Isang pagsabog ang naganap kahapon ng hapon sa lugar kung saan nagsasagawa ng demonstrasyon ang mga kontro-gobyerno sa Bangkok, kabisera ng Thailand. Dalawa (2) katao na kinabibilangan ng isang 4 na taong gulang na bata ang namatay, at di-kukulangin sa 24 katao ang nasugatan. Isinugod naman sa mga nakapaligid na ospital ang mga nasabing sugatan para lapatan ng lunas. Kasalukuyang iniimbestigahan ng panig pulisya ang sanhi ng naturang pagsabog.

Isang pahayag naman ang ipinalabas nang araw ring iyon ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government ng Thailand, bilang pagkondena sa 2 marahas na insidente ng pagsalakay na naganap kamakailan. Nanawagan din siya sa iba't-ibang paksyon na itakwil ang karahasan at magpahayag ng kanilang kahilingan sa mapayapang paraan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>