Kaugnay ng teroristikong pag-atake na naganap kahapon sa Kunming ng Tsina, sinabi ngayong araw sa Beijing ni Lv Xinhua, Tagapagsalita ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na ang insidenteng ito ay nagpapakita ng kalooban ng mga terorista na kontra sa gawain ng matinong nilalang at dapat matindi silang parusahan batay sa batas.
Nang araw ring iyon, idinaos sa Beijing ang news briefing ng ika-2 sesyong plenaryo ng CPPCC. Sinabi ni Lv na pinag-ukulan ng pansin ng mga kinatawan ng CPPCC ang insidenteng ito at matindi ang kanilang pagkondena sa mga teroristang nagsagawa ng trahedyang ito.
Salin: Ernest