Isang seremonya ng pakikiramay ang idinaos kagabi sa Kunming para sa mga biktima ng teroristikong pag-atake sa Kunming Railway Station, noong unang araw ng buwang ito. Dumalo sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng liderato ng Kunming, pamilya ng mga biktima, at mga may kinalamang kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng Kunming.
Ipinahayag ng pamahalaan ng Kunming na babayaran nito ang lahat ng mga may kinalamang gastos na gagamitin para sa mga namatay at nasugatan sa insidente. Bukod dito, bibigyan din ng kompensasyon ang pamilya ng mga biktima.