Bilang pakikiramay sa mga biktima ng teroristikong pag-atake sa Kunming, Yunnan sa dakong timog-kanluran ng Tsina noong unang araw ng Marso, nangolekta ng 1,000 pirma mula sa mga mamamayang taga-Hong Kong ang Young DAB, Youth wing ng Democratic Alliance for the Betterment and Progress of Hong Kong (DAB), pinakamalaking partidong pulitikal ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Inabot kahapon ng Young DAB ang pirma sa Tanggapan ng Pamahalaang Sentral ng Tsina sa HK.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, umasa ang Young DAB na maipapahayag nila ang pakikidalamhati at magandang hangarin ng mga kababayang taga-Hong Kong sa Kunming.
Salin: Jade