Nitong ilang araw na nakalipas, ilang bansa at organisasyong pandaigdig, na gaya ng Mongolia, Brazil, Myanmar, Greece, Gulf Cooperation Council ang patuloy na nagpadala ng mensahe sa pamahalaan ng Tsina, bilang mahigpit na pagkondena sa teroristikong pag-atakeng naganap kamakailan sa Kunming, lalawigang Yunnan, Tsina.
Ipinahayag din nila ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng insidente. Anila, positibo sila sa pagbibigay-dagok ng Tsina sa ibat-ibang teroristikong aktibidad para mapangalagaan ang katatagang panlipunan.