Kinumpirma ngayong araw ng Embahadang Tsino sa Malasiya na di-totoo ang mga may kinalamang ulat na nagsasabing inalis na ng panig Malay ang hijacking, pagkawalang-bisa ng radar at tatlong iba pang posibilidad para mawalan ng pagkawalang-ugnayan sa flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Ayon sa Embahadang Tsino, dumalo kahapon si Embahador Huang Huikang ng pulong ng may kinalamang departamento ng pamahalaang Malay para sa Punong Ministro. At sa pulong, inalis ng mga opisyal ang ilang posibleng dahilan para mawalan ng kontak sa flight MH370, pero, hindi sila nakapagbigay ng anumang konklusyon hinggil dito.
Ayon pa sa ulat, nagpadala kahapon ng hapon ang awtoridad ng Taiwan ng isang bapor na militar, isang carrier plane at dalawang bapor-pamatrolya sa rehiyong pandagat kung saan pinaghihinalaang nawala ang nasabing eroplano para lahukan ang mga gawain ng paghahanap.
Samantala, ipinahayag ngayong araw ni Pham Quy Tieu, namamahalang tauhan ng pamahalaan ng Biyetnam sa gawain ng paghahanap sa flight MH370 na patuloy na pinapalawak nila ang saklaw ng paghahanap, at hindi ito titigil hangga't di makakakita ng anumang impormasyon tungkol sa insidente.