Kaugnay ng isyu ng pagpawi sa korupsyon, ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na kahit gaano kataas ang katayuan, pantay ang lahat ng mga tao sa batas, lalo na sa isyu ng pagpawi sa korupsyon. Kung lalabag siya sa batas, dapat siyang parusahan ayon sa batas.
Winika ito ni Li sa isang news briefing pagkatapos ng pagpipinid ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina. Sinabi ni Li na ang isyu ng korupsyon ay malubhang banta para sa pamahalaan. Pasusulungin ng Tsina ang pagpapabuti ng sistema ng pangangasiwa sa pondo at kapangyarihan para maisapamantayan ang paggamit ng kapangyarihan at mapigilan ang pagmamalabis sa kapangyarihan.
Salin: Ernest