Pinabulaanan kahapon ng panig Malaysiyano ang patuloy na pagpapadala ng flight MH370 ng mga data pagkaraang mawalan ng kontak ito. Bilang tugon, ipinahayag kahapon ng Embahadang Tsino sa Malaysia na walang direktang ugnayan sa Malaysia ang panig Tsino, Boeing Company at Rolls Royce Company, isang engine manufacturer. Kaya, walang komento ang panig Tsino tungkol sa naturang pagpapahayag ng panig Malaysiyano.
Sa ilalim ng koordinasyon ng China Maritime Search and Rescue Center, hanggang sa ngayon, isinasagawa ng 8 bapor at 5 helikopter ng panig Tsino ang paghahanap sa naturang nawawalang eroplano.
Salin: Li Feng