Nag-usap kamakalawa sa telepono sina Chuck Hagel, Pandepensang Kalihim ng Amerika at kanyang Israeli countertpart na si Moshe Ya'alon. Sa pag-uusap, inulit ni Hagel ang paninindigan ng Amerika na pigilan ang Iran na magkaroon ng mga sandatang nuklear. Nagkasundo ang dalawang panig na ipagpapatuloy nila ang pinalakas na kooperasyon sa larangang panseguridad.
Sa kanyang talumpati sa Unibersidad ng Tel-Aviv kamakailan, pinuna ni Ya'alon ang aktityud ng pamahalaang Amerikano sa isyung nuklear ng Iran. Sinabi niyang mahina ang kasalukuyang pamahalaang Amerika sa isyu ng Iran, tulad ng ginagawa nito sa Ukraine.
Kaugnay nito, tumelepono kamakalawa si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika kay Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel, at ipinahayag ang pagtutol sa pananalita ni Ya'alon.