Alas-3:13 kaninang madaling araw (Beijing time), pormal na isinagawa ng hukbong panghimpapawid ng Tsina ang paghahanap sa nawawalang flight MH370 sa direksyon ng Perth.
Sa isa namang pahayag na ipinalabas kaninang umaga ng Australian Maritime Safety Authority (AMSA), sinabi nito na sampung (10) eroplano ng AMSA ang ipinadala na para sa paghahanap sa flight MH370.
Ayon naman kahapon kay Tagapagsalita Romain Nadal ng Ministring Panlabas ng Pransya, ipinasiya ng kanyang bansa na isaayos ang mas maraming satellite resources upang lumahok sa paghanap ng nawawalang eroplano.
Salin: Li Feng