"Kung lalala ang situwasyon sa Ukraine dahil sa pakikisangkot ng Rusya, ibayo pa naming papatawan ng sangsyon ang Rusya." Ito ang ipinahayag kahapon ng Unyong Europeo at Amerika sa kanilang summit sa Brussels.
Sa isang preskon pagkatapos ng summit, ipinahayag ni Herman Von Rompuy, Tagapangulo ng Konseho ng Europa na ang de-eskalasyon ng kalagayan sa Ukraine ay pinakamasusing tungkulin sa kasalukuyan. Binigyang-diin din ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na dapat magkasamang humanap ng paraan ang Rusya, Ukraine at komunidad ng daigdig para lutasin ang nasabing isyu, at ito ay tanging paraan para rito.