Nag-usap kahapon sa Paris sina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos at Sergueï Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya hinggil sa krisis ng Ukraine. Kahit hindi pa pormal na ipinalabas ang mga nilalaman ng pag-uusap, sinabi ng media ng Pransya na tinalakay ng dalawang lider ang mungkahi ng Rusya na lutasin ang isyu sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng federalization ng Ukraine.
Bago ang naturang pag-uusap, iminungkahi ni Lavrov na magbigay ng mas maraming awtonomiya sa mga rehiyong nagsasalita ng wikang Ruso sa ilalim ng federalization.
Ipinahayag ni Kerry na dapat i-urong ng Rusya ang mga sundalo nito mula sa rehiyong panghanggahan ng Rusya at Ukraine. Iminungkahi rin niyang itatag ang direktang diyalogo ng Moscow at Kiev at igalang ang halalang pampanguluhan na idaraos sa ika-25 ng Mayo sa Ukraine.
salin:wle