Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Brussels kay Jose Manuel Barroso, Pangulo ng European Commission, binigyang-diin ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina, na magbibigay-galang ang Tsina at Europa sa kani-kanilang pagpili sa landas ng pag-unlad at sistemang panlipunan, at pahihigpitin ang pagpapalitan at pag-uunawaan sa larangan ng reporma. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ng dalawang panig ang kanilang pagtutulungan batay sa prinsipyo ng paggagalangan, pagkapantay-pantay, at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Umaasa rin siyang kokontrolin ang pagkakaiba ng palagay sa larangang pangkalakalan, sa pamamagitan ng pantay at mapagkaibigang diyalogo at inaasahang pahihigpitin ng dalawang panig ang kanilang kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig, para pasulungin ang makatarungan, makatuwiran at mabisang regulasyong pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Barroso na pinasalamantan niya ang tulong na ibinigay ng Tsina sa Europa, at gusto nilang maging estratehikong partner ng Tsina sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang palalakasin ang pagkikipagtulungan ng Europa sa Tsina sa larangan ng urbanisasyon at humanidad, at maayos na lulutasin ang mga problemang pangkalakalan sa pamamagitan ng talastasan.